Inflation, taas-sahod, kahirapan nais ng mga Pinoy na aksyunan agad ng gobyerno

Vegetable vendors display their products for sale at the Balintawak Market in Quezon City on Wednesday (October 5, 2022).
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nais ng nakararaming Pinoy na maaksiyunan agad ng pamahalaan ang inflation sa bansa, batay sa latest survey ng Pulse Asia.

Nabatid na 66 percent ng mga Pinoy ang nagsasabing “most urgent” na national concern na dapat tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

May 44 percent naman ang nagsabing ang pagtataas sa sahod ng mga manggagawa ang urgent national concern, 35 percent ang nagsabing dapat lumikha ng trabaho ang pamahalaan at 34 percent ang nagsabing dapat unahin ang paglutas sa problema ng kahirapan sa bansa.

Pinatutugunan din ang iba pang isyu gaya ng pagtulong ng pamahalaan sa ma­liliit na ­negosyante, i-promote ang kapayapaan, pangangalaga sa kapaligiran pagbabawas sa buwis na binabayad ng mamamayan, pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19, paglaban sa national territorial integrity, alagaan ang kapakanan ng mga OFWs at terroristic threats.

Ang survey na ginawa nitong Setyembre 17-21, 2022 ay may 1,200 respondents.

Show comments