Inflation rate bumilis sa 6.9% noong September
MANILA, Philippines — Bumilis ang pagtaas ng inflation sa bansa noong nakaraang buwan na naitala sa 6.9 porsiyento, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa, ito na ang pinakamataas na naitala simula Oktubre 2018.
Anya, ang inflation noong Agosto ay 6.3 porsiyento.
Paliwanag ni Mapa, ang mataas na inflation ay bunga ng mataas na halaga ng maraming pagkain, serbisyo at iba pang produkto.
Nakapag-ambag din ang pagtaas ng pasahe, kuryente at tubig, bukod pa sa mga produktong-petrolyo.
Nabanggit din nito na 15 sa mga rehiyon sa bansa ang nakapagrehistro ng mas mataas na inflation, maliban sa Eastern Visayas.
Tatlo rin aniya sa mga rehiyon ang nakapagtala na ng ‘double digit’ inflation.
Sinabi pa ni Mapa na nakakaapekto rin sa halaga ng mga bilihin at serbisyo ang mahinang halaga ng piso kontra sa dolyar kaya’t maaring magpatuloy ang pagtaas hanggang sa Kapaskuhan.
- Latest