Habagat nagtapos na, Amihan mararamdaman
MANILA, Philippines — Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng Habagat o Southwest Monsoon at ang unti-unting pagpasok ng Northeast Monsoon o Amihan.
Ayon sa weather bureau, ramdam na ang paghina ng Habagat sa nakalipas na mga araw.
Lumakas naman ang high pressure systems sa mainland Asian continent, na nagdulot ng pagbabago ng panahon.
Bunsod nito, asahan na ang period of transition at pagkakaroon ng Amihan, na inaasahang mararamdaman sa mga darating na araw.
Ang hanging Amihan ang nagdadala ng malamig na panahon sa bansa. Ito ang kalimitang naghuhudyat ng pagpasok ng ‘holiday season’ sa Pilipinas.
Karaniwang nararanasan ang malamig na hangin dulot ng Amihan hanggang sa buwan ng Pebrero.
Samantala, dahil sa on going na la niña o maraming ulan ay asahan naman ang pagtaas ng posibilidad na magkaroon ng higit sa normal na mga kondisyon ng pag-ulan na may potensyal na lumikha ng masamang epekto tulad ng malakas na pag-ulan, pagbaha at landslide.
- Latest