Cabinet officials na na-bypass ng CA muling in-appoint ni Marcos
MANILA, Philippines — Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang mga miyembro ng kanyang Gabinete na na-bypass ng makapangyarihang Commission on Appointments.
Kasabay ng reappointment, pinangunahan na rin ng Pangulo ang oath-taking ng mga opisyal sa Palasyo ng Malakanyang.
Kabilang sa nanumpa ang bagong talaga na si Executive Secretary Lucas Bersamin na pumalit kay Vic Rodriguez.
Nanumpa rin ang mga kalihim na sina Benjamin Estoista Diokno (Finance); Manuel Manligas Bonoan (DPWH); Alfredo Espinosa Pascual (DTI); Erwin Teshiba Tulfo (DSWD); Jaime Jimenez Bautista (Transportation); Renato Umali Solidum Jr. (DOST); Raphael Perpetuo Mercado Lotilla (Energy); Maria Susana Vasquez Ople (Migrant Workers); Arsenio Molina Balisacan (NEDA); Jose Rizalino Larion Acuzar - Human Settlements and Urban Development.
- Latest