^

Bansa

Palasyo tinawag na 'produktibo' kontrobersyal na Singapore F1 weekend visit ni Marcos Jr.

James Relativo - Philstar.com
Palasyo tinawag na 'produktibo' kontrobersyal na Singapore F1 weekend visit ni Marcos Jr.
Kuha kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. habang nasa sidelines ng Formula One race sa Singapore, bagay na nababatikos ngayon matapos ragasain ng Super Typhoon Karding ang Pilipinas
Mula sa Facebook page ni Tan See Leng

MANILA, Philippines — Matapos maging tikom ng ilang araw, kinumpirma na ng Malacañang ang nababatikos na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore at tinawag pa itong "produktibo.

Una nang naibalitang pumunta sina President Marcos Jr., kanyang anak na si Ilocos Rep. Sandro Marcos, atbp. sa Formula One Grand Prix nitong weekend sa naturang bansa — bagay na kinastigo bilang insensitive na "bakasyon" matapos ang Super Typhoon Karding.

"Naging produktibo ang pagdalaw sa Singapore ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr.," ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Lunes, sa isang paskil sa Facebook.

"Pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa bayan na ito, at pinatuloy ang paghihikayat sa pag invest sa bayang Pilipinas."

Ngayon na lang uli nag-host ang Singapore ng kanilang F1 race simula nang COVID-19 pandemic noong 2020, dahilan para mabilis magkabentahan ng tickets. Nagkakahalaga ng SG$98 (P4,024) hanggang halos SG$10,000 (P410,629) ang ticket.

Ang ilang party suites ay sinasabing nagkakahalaga ng $70,000 (P4.1 million) kada gabi.

Una nang sinabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na tumuloy sina Marcos Jr. sa isang eksklusibong F1 Paddock Club, na siyang nagkakahalaga ng $8,000 (P470,412) para sa two-day access pass. 

Hindi idinetalye ng Palasyo kung bakit hindi sila nag-anunsyo bago pa lumipad ang Pangulo patungong Singapore. Hindi rin malinaw pa kung ano ang agenda ng nasabing pagbisita ni Marcos, gayong kagagaling lang niya sa Singapore noong nakaraang buwan.

Para i-reaffirm 'bilateral relations'?

Kaninang umaga lang nang batiin ni Singaporean Minister for Manpower Tan See Leng sina Bongbong, ilang ministro at foreign dignitaries na siyang bumisita sa karera.

"Congratulations to Sergio Perez for winning the Singapore Grand Prix!" wika niya rin sa hiwalay na FB post.

"Happy to meet various Heads of States, Ministers and foreign dignitaries to affirm our bilateral economic relationships and strengthen collaborations in energy cooperation as well as exchange views on manpower policies on the sidelines of the race."

Bukod kay Marcos Jr., kasama ring pumunta sa karera sina:

  • Palau President Surangel Whipps Jr.
  • Keo Rottanak (Cambodia’s Minister attached to the Prime Minister and Managing Director of Electricite Du Cambodge)
  • Pan Sorasak (Cambodia’s Minister of Commerce)
  • Dr. Fahad Bin Abdullah Toonsi (Advisor to the Royal Court, Kingdom of Saudi Arabia) 

Masaya rin siya na pumunta ang ilang community at tripartite leaders at frontliners sa event.

"I hope everyone had a chance to soak in the Singapore Grand Prix activities, whether it is the race or lifestyle experiences happening in town and within our community," banggit pa ng Singaporean minister.

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong paulit-ulit at sunud-sunod na araw ang pagiging "all-time low" ang halaga ng piso kontra dolyar nitong mga nagdaang linggo.

Ilang lugar din gaya ng Nueva Ecija ang isinailalim sa state of calamity buhat ng bagyong "Karding," na siyang pinakamalakas na sama ng panahon na pumasok sa Pilipinas ngayong 2022.

BONGBONG MARCOS

FORMULA ONE

RACE

SINGAPORE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with