Generic na mga gamot ligtas, mabisa tulad ng branded - DOH
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na ang lahat ng generic medicines ay parehong ‘safe’ at ‘effective’ katulad ng kanilang branded counterparts.
“People have to understand also whether it be branded or unbranded generics, pareho lang ang safety, efficacy,” ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.
Aniya, pareho lang ng generic medicines ang ibibigay na effectiveness para sa purpose ng gamot at ang mabibili sa merkado ay mataas ang kalidad, basta sa mga lisensyado lamang.
“Kung pupunta kayo sa drugstore na linsensyado ng Food and Drug Administration, kasi ‘yung mga drugstores po ay hindi pwedeng magbenta ng mga counterfeit at pekeng gamot,” ayon naman kay DOH Pharmaceutical Division Director Dr. Anna Melissa Guerrero, sa pahayag naman sa isang radio program nitong Sabado.
Katunayan aniya, ang DOH ay gumagamit ng generic medicines sa kanilang mga programa.
“Ako po ay doktora at gumagamit ng generic. Lahat po kami sa Department of Health, ‘pag kami ay bumibili ng gamot generic po lahat ng gamit ng Department of Health sa aming mga programa at maganda naman po ang outcome ng mga programa ng Department of Health ,” ani pa ni Guerrero.
“Marami na po tayong nakikita na outcomes din po na meron kaming hypertension program, diabetes program at nakokontrol naman po ‘yung kanilang blood sugar at high,”dagdag pa niya.
- Latest