^

Bansa

'Hypothetical lang': Badoy sinabing 'hindi siya nagbanta' ng karahasan vs Manila judge

James Relativo - Philstar.com
'Hypothetical lang': Badoy sinabing 'hindi siya nagbanta' ng karahasan vs Manila judge
Kuha kay dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy (kaliwa) at litrato ng bungad ng Korte Suprema
Mula sa Facebook page ni Lorraine Badoy; Philstar.com/EC Toledo, File

MANILA, Philippines — Matapos malagay sa alanganin at posibleng parusa, tiniyak ng dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi niya binantaan ang buhay ng isang hukom ng Manila Regional Trial Court.

Ika-27 ng Setyembre nang balaan ng "contempt of court" ng Korte Suprema si Lorraine Badoy-Partosa matapos niya i-red tag at "bantaan ang buhay" ni presiding judge Marlo Magdoza-Malagar na nagbasura sa petisyong nais ideklarang iligal at terorista ang Communist Party of the Philippines at New People's Army.

"I take full cognizance of the stern warning given to me by the Supreme Court and I would like to assure them that I hear their guidance," wika ni Badoy, na kilala sa pagkakalat ng disinformation, Miyerkules.

"I would like to assure the Justices of the Supreme Court that I did not, in any way, threaten Judge Marlo Malagar. Nothing could be further from the Truth."

 

 

Matatandaang ikinagalit nang husto ni Badoy-Partosa ang desisyon ni Malagar na ibasura ang naturang proscription case, lalo na't dinesisyunan ng huli na "political crime" ang pagrerebelde ng mga naturang rebolusyonaryo at hindi basta terorismo.

Dahil dito, naghimutok siya sa Facebook at sinabi ang nabanggit:

So if I kill this judge and I do so out of my political belief that all allies of the CPP NPA NDF must be killed because there is no difference in my mind between a member of the CPP NPA NDF and their friends, then please be lenient with me.

 

 

Bukod diyan, direkta rin niyang tinawag na "kaibigan ng CPP-NPA" si Malagar. 

Ang red-tagging, o pag-uugnay ng mga ligal na personalidad at organisasyon sa mga rebeldeng komunista, ay ilang beses nang naharap sa pagkakakulong, enforced disappearance o extrajudicial killing ng mga aktibista.

"No threats anywhere there... A threat is a statement of an intention to inflict pain or damage," paliwanag pa niya.

"An 'If -then' statement, on the other hand, is merely a hypothetical syllogism that are workhorses of deductive logic that I needed to use to make my point."

Maaaring makulong at/o mapatawan ng multa si Badoy kung siya'y maparusahan ng direct or indirect contempt.

Ni-red tag din ni Badoy ang media sa kanyang pahayag, habang iginigiit na "minanipula" ang kanyang mga salita at "pinalaki."

Idinidiin din niyang "terorista" talaga ang NPA dahil sa pagkakamatay noon ng football player na si Keith Absalon, na binawian noon ng buhay dahil sa improvised explosive device ng mga rebelde. Tinawag niya pa itong "murder" ng sibilyan.

Sa kabila nito, inako ng pamunuan ng CPP-NPA ang kanilang pagkakamali at humingi ng tawad sa pamilya Absolon. Taliwas sa sinabi ni Badoy na ito'y murder — o pagpatay na pinagplanuhan — sinabi ng mga komunistang nailagay ang mga pasabog sa naturang lugar sa Bikol dahil nagkakasa sila ng opensiba. Nag-alok na rin sila ng danyos perwisyos sa pamilya.

Dati nang sinasabi ng CPP-NPA na hindi sila terorista at sa halip mga rebolusyonaryo. Layon nilang agawin ang gobyerno gamit ang armadong pakikibaka laban sa kontrol ng mga dayuhan (imperyalismo), kawalan ng lupa (piyudalismo) at pagpapatakbo ng gobyerno na parang negosyo (burukrata kapitalismo). 

CONTEMPT

LORRAINE BADOY

RED-TAGGING

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with