^

Bansa

Ex-CJ Bersamin, bagong Executive Secretary

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Ex-CJ Bersamin, bagong Executive Secretary
ormer Chief Justice Lucas Bersamin took his oath of office as Executive Secretary before President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. on Tuesday.
Office of the President

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Chief Justice Lucas Bersamin bilang bagong Executive Secretary.

Papalitan ni Bersamin si dating Executive Secretary Vic Rodriguez na una nang nagbitiw sa puwesto matapos ang kontrobersiyal na planong pag-aangkat ng 300,000 metrikong toneladang asukal.

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, nanumpa na si Bersamin kay Pangulong Marcos kahapon ng umaga sa Palasyo ng Malakanyang.

Matapos manumpa ay agad na sinimulan ni Bersamin ang trabaho sa pamamagitan ng pagdalo sa ika-siyam na Cabinet meeting sa Palasyo.

Matatandaan na isa si Bersamin sa mga mahistrado na pumabor na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang ama ng Pangulo na si dating Pa­ngulong Ferdinand Marcos Sr.

JUSTICE LUCAS BERSAMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with