Karding humina habang palayo sa Luzon
MANILA, Philippines — Bahagyang humina ang bagyong Karding habang patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran palayo ng Luzon.
Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyo ay namataan ng PAGASA sa layong 230 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan at patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 km bawat oras.
Taglay ni Karding ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kph at bugso na aabot sa 160 kph.
Dahil dito, nananatiling nasa ilalim ng signal number 1 ang western portions ng Pangasinan (Santa Barbara, Bayambang, Mangaldan, Dagupan City, Calasiao, San Carlos City, Basista, Urbiztondo, Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Infanta, Malasiqui, Alcala, Bautista), Zambales, western portion ng Tarlac (Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, San Jose, Mayantoc, Capas, Bamban), at sa northwestern portion ng Pampanga (Mabalacat City, Angeles City, Porac, Floridablanca).
Sa susunod na 24 oras ay inaasahan ang minsang monsoon rains sa western sections ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.
Sa susunod namang 12 oras ay kikilos si Karding pakanluran sa West Philippine Sea hanggang sa lumabas ng bansa papuntang Vietnam.
- Latest