^

Bansa

Ilang lugar sa Pangasinan, Zambales Signal no. 2 pa rin sa paglayo ng Typhoon Karding

James Relativo - Philstar.com
Ilang lugar sa Pangasinan, Zambales Signal no. 2 pa rin sa paglayo ng Typhoon Karding
Bandang 7 a.m. nang mamataan ang mata ng bagyo 190 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong Lunes.
Joint Typhoon Warning Center

MANILA, Philippines — Nananatili ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa ilang lugar sa Pangasinan at Zambales habang papalabas ng Philippine area of responsibility ngayong gabi"ang Typhoon Karding — na siyang umabot sa Signal no. 5 sa probinsya ng Quezon atbp. lugar noong  super typhoon category pa ito.

Bandang 7 a.m. nang mamataan ang mata ng bagyo 190 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong Lunes.

  • Lakas ng hangin: 140 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 170 kilometro kada oras
  • Direksyon: pakanluran hilagangkanluran
  • Pagkilos: 30 kilometro kada oras

"Moderate to heavy with at times intense rains over Zambales, Bataan, and Lubang Islands. Light to moderate with at times heavy rains over the western portion of Pangasinan," wika ng state weather bureau sa isang pahayag kanina.

"Under these conditions, scattered flooding and rain-induced landslides are still possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities with significant antecedent rainfall."

Kaugnay nito, nakataas pa rin ang sumusunod na storm warning signals sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2

  • kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bolinao, Bani, City of Alaminos, Anda, Sual, Labrador, Mabini, Agno, Burgos, Dasol, Infanta, Bugallon, Lingayen, Aguilar)
  • hilagang bahagi ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba)

Signal no. 1

  • La Union
  • nalalabing bahagi ng Pangasinan, the southern portion of Benguet (Sablan, La Trinidad, Itogon, Baguio City, Tuba, Kapangan, Tublay)
  • nalalabing bahagi ng Zambales
  • hilagang bahagi ng Bataan (Bagac, City of Balanga, Abucay, Samal, Morong, Orani, Hermosa, Dinalupihan)
  • Tarlac
  • Pampanga
  • kanlurang bahagi ng Nueva Ecija (Cabiao, San Isidro, Jaen, San Antonio, Lupao, Science City of Muñoz, Santo Domingo, Talavera, Aliaga, Zaragoza, Cuyapo, Talugtug, Nampicuan, Guimba, Licab, Quezon)

Nakikitang mabilis na babawiin ang mga storm signals habang papalayo nang papalayo ang bagyo mula sa kalupaan ng Luzon.

Tinatayang tutumbukin na sa ngayon ng bagyo ang direksyong pakanluran sa ibabaw ng West Philippine Sea patungong Vietnam.

"On the track forecast, it will exit the Philippine Area of Responsibility tonight. It is still forecast to slightly weaken or maintain its strength in the near term as it begins to move away from the landmass of Luzon," patuloy pa ng PAGASA.

"A period of re-intensification may occur beginning tonight or tomorrow early morning as the typhoon moves over the West Philippine Sea."

Maliban sa Quezon at Polillo Islands, labis na hinambalos din ng bagyo ang ilang bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan at Rodriguez, Rizal na siyang nakatikim ng Signal no. 5.

Umabot naman sa Signal no. 4 ang itinaas sa mga lugar gaya ng National Capital Region, kung saan naroon ang kabisera ng bansa na Maynila.

Nag-iwan tuloy ang bagyo ng libu-libong katao sa loob ng mga evacuation centers habang nagbaha naman sa ilang kalugaran malapit sa Ilog ng Marikina na siyang umapaw. Nagpatupad ng forced evacuation sa lugar nitong Linggo.

vuukle comment

KARDING

PAGASA

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with