^

Bansa

Super Bagyong Karding, humagupit!

Doris Franche, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Super Bagyong Karding, humagupit!
Members of the Disaster Risk Reduction and Management Office prepare rubber boats and life vests ahead of Super Typhoon Noru making landfall, at their headquarters in Quezon City, suburban Manila on Sept. 25, 2022.
AFP/Kevin Tristan Espiritu

MANILA, Philippines — Maraming lugar sa Luzon ang hinagupit ng super bagyong Karding na tumama sa kalupaan nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa PAGASA, dakong alas-5:30 ng hapon nang unang mag-landfall si Karding sa bisinidad ng Burdeos, Quezon.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nagsisimula na umanong maapektuhan ng “eyewall” ni Karding ang northern portion ng isla.

Inaasahan naman ng PAGASA na magkakaroon pa ng second landfall ang bagyo sa pagitan ng alas-6:00 ng gabi hanggang alas-8:00 ng gabi nitong Linggo sa Aurora.

Batay naman sa 5:00 pm bulletin ng state wea­ther bureau, ang super bagyo ay patuloy na gumagalaw patungong westward sa bilis na 20 km per hour, na may maximum sustained winds na 195 kph.

Itinaas ng PAGASA sa Signal No. 5 ang Polillo Islands; Extreme northern portion ng Quezon (northern at central portions ng General Nakar, northeastern portion ng Infanta); Extreme southern portion ng Aurora (Dingalan); Extreme southern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, City of Gapan, Peñaranda, San Isidro, Cabiao); Pampanga (Arayat, Candaba, Santa Ana, San Luis, Candaba, Arayat); Eastern at central portions ng Bulacan (San Rafael, Angat, Norzagaray, Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Miguel) at Extreme northern portion ng Rizal (Rodriguez).

Nasa ilalim naman ng Signal No. 4 ang Calaguas Islands; Central at southern portion ng Nueva Ecija (Cuyapo, Nampicuan, Guim­ba, Licab, Zaragoza, San Antonio, San Leonardo, Jaen, Santa Rosa, Palayan City, Gabaldon, Laur, Cabanatuan City, Aliaga, Quezon, Santo Domingo, Talavera, Llanera, General Mamerto Natividad, Rizal, Bongabon, Talugtug, Science City of Muñoz); Northern portion ng Metro Manila (Marikina, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, at Quezon City); Tarlac; natitira pang bahagi ng Pampanga at Bulacan; Zambales; Northern portion ng Bataan (Dinalupihan, Hermosa, Morong, Orani, Samal, Abucay); Southern portion ng Panga­sinan (Bautista, Alcala, Bayambang, Mangatarem, Urbiztondo, Aguilar, Bugallon, Infanta, Dasol, Burgos, Mabini, Labrador) at Extreme northern portion ng Laguna (Famy, Siniloan, Santa Maria, Pangil).

Signal No. 3 ang central portion ng Aurora (Dipaculao); Southeastern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte); natitira pang bahagi ng Nueva Ecija, Bataan, Pangasinan, Metro Manila at Rizal; Northern at central portions ng Laguna (Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Pagsanjan, Luisiana, Majayjay, Magdalena, Santa Cruz, Pila, Liliw, Nagcarlan, Victoria, Rizal, City of San Pedro, City of Biñan, City of Santa Rosa, Cabuyao City, City of Calamba, Los Baños, Bay, Calauan); Northern at central portions ng Cavite (Tanza, Rosario, Noveleta, Kawit, Imus City, Bacoor City, City of Dasmariñas, Carmona, Gen. Mariano Alvarez, Silang, Amadeo, City of General Trias, Trece Martires City, Naic, Indang); natitira pang northern portion ng Quezon (Infanta, Real, General Nakar, Mauban) at northern portion ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga).

Anang PAGASA, asahan na ang malalakas na pag-ulan sa maraming bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila, hanggang Lunes.

Makakaranas din ng manaka-nakang mga pag-ulan sa Palawan, Western Visayas at sa Zamboanga Peninsula dahil sa Habagat na pinalakas ni Karding.

Inaasahang si Karding ay daraan sa landmass ng Central Luzon nitong nakalipas na magdamag bago tuluyang tumungo sa West Philippine Sea ngayong Lunes ng umaga.

Inaasahan din ng PAG­ASA na tuluyan nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang super bagyo sa Martes.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with