Libo-libong pasahero at trabahador, istranded
MANILA, Philippines — Libo-libong pasahero at mga trabahador ang istranded sa iba’t ibang mga pantalan sa Katimugang Luzon at Bicol region dahil sa masamang lagay ng karagatan dulot ng bagyong Karding, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa datos ng PCG, nasa 2,519 pasahero, tsuper, at mga cargo helpers ang istranded sa mga pantalan, maging ang 39 na ‘rolling cargoes’, 18 vessels, at 15 motorbancas.
May 71 vessesl at 35 motorbancas naman ang nakikisilong sa mga pantalan habang hinahagupit ng masamang panahon ang karagatan.
Sa monitoring ng PCG sa mga pantalan sa Southern Luzon kabilang ang Pier 8 sa Tondo, Maynila at 25 pang mga pantalan, nasa ‘moderate to rough’ na ang kundisyon ng dagat. Gayundin sa Bicol region partikular na sa Virac Port.
Patuloy na nagbabala ang PCG sa mga mangingisda at mga operators ng mga pampasaherong bangka na huwag pumalaot hanggang hindi tuluyang lumilisan sa bansa ang bagyo at umaayos ang kundisyon ng karagatan.
- Latest