^

Bansa

Mga dagat sa Pilipinas '3 beses mas mabilis tumaas' vs buong mundo — dalubhasa

Philstar.com
Mga dagat sa Pilipinas '3 beses mas mabilis tumaas' vs buong mundo — dalubhasa
Fishing boat crew load their food supplies onto a small boat prior to their departure for the South China Sea at the port of Infanta town, Pangasinan province, north of Manila on August 11, 2022.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Tatlong beses na mas mabilis tumaas kumpara sa global average ang "sea level" ng Pilipinas, dahilan para mailagay sa peligro ang maraming Pinoy na nakatira sa mga baybaying dagat, ayon sa isang dalubhasa mula PAGASA.

Ito ang ibinahagi ni Rosalina de Guzman, hepe ng climate change data ng PAGASA, nitong Huwebes habang ipinaliliwanag ang epekto ng climate change at rising temperatures sa mga Pilipino.

"Base po sa isang report na ginaw ang PAGASA... ay nakita po natin na 'yung sea-level rise ng Pilipinas ay three times faster po siyang tumataas compared to the global average," ani De Guzman sa Laging Handa briefing ng state-run PTV. 

"Ito ay malaki ang impact, especially po ang Pilipinas ay napakahaba po ng coastlines natin. At tska po 70% of our municipalities are located in coastal areas."

Aniya, maaari itong magbunsod ng mga pagkalubog ng mga mabababang lugar lalo na sa mga nakatira sa paligid ng dalampasigan.

Aabot sa 36,289 kilometro ang coastline ng Pilipinas, dahilan para ito ang maging ikalimang pinakamalaking coastline sa buong mundo.

Abril lang nang sabihin ni Marcelino Villafuerte, isang climate scientist ng PAGASA, na tumaas ang Philippine Sea ng halos 5 inches sa nakaraang 20 taon.

Iniuugnay ng mga siyentista ang pagtaas ng lebel ng dagat sa pag-init ng mundo, bagay na tumutunaw sa polar ice caps na siyang nagpapalaki sa mga karagatan.

'Kumonti ang bagyo, pero lumakas'

Sa nakaraang 10 taon, nakakita rin daw ang Pilipinas ng pagdami ng mga matitinding bagyong nakakaapekto sa bansa.

"Base po sa datos natin, nakita nga natin 'yung frequency ng bagyo ay medyo bumababa," sabi pa ni De Guzman.

"At nakita po natin na 'yung greater than 170 kilometers per hour ay may kaonting pagbabago. May slight increase in terms of intensity ng malalakas na bagyo."

Taun-taon ay tinatayang nasa 20 tropical cyclones ang pumapasok sa Philippine area of responsibility, ang pinakamarami sa buong daigdig.

Walo hanggang siyam dito ang sumasalpok mismo sa kalupaan ng Pilipinas.

Iinit ng 4 degrees centrigade sa pagtatapos ng siglo?

Kung hindi matutugunan ang problema ng climate change, posibleng lumala pa raw ang epekto nito sa Pilipinas sa mga darating na panahon batay sa "climate projections" ng PAGASA.

"Nakita po natin na tataas ang temperatura ng bansa ng about 4 degrees centigrade at the end of the 21st century," sabi pa ng climate scientist.

Ngayong linggo lang nang maging paksa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang climate crisis sa ika-77 sesyon ng United Nations General Assembly.

Hinikayat din niya ang mga mayayaman at industriyalisadong bansa na sundin ang kani-kanilang obligasyon sa pagbawas sa kanilang greenhouse gas emissions at magbigay ng tulong pinansyal sa mga bayan gaya ng Pilipinas habang lumalaki ang epekto ng climate change. — James Relativo

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

CLIMATE CHANGE

PAGASA

PHILIPPINES

SEA

TROPICAL CYCLONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with