^

Bansa

Peace talks sa CPP-NPA, itigil na - Sen. Bato

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Peace talks sa CPP-NPA, itigil na - Sen. Bato
Sen. Ronald ‘Bato” dela Rosa attended the public hearing of the Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation to discuss the End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) Act on September 20, 2022.
STAR/Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Hindi na umano dapat makipag-peace talks ang gobyerno sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa halip ayon kay Sen. Ronald ‘Bato” dela Rosa, patuloy silang tugisin at huwag nang pagbalakan pang kausapin muli.

Paliwanag pa ni dela Rosa, tanging gobyerno lamang ang sinsero sa usapang pangkapaya­paan at niloloko lang ito ng naturang grupo kapag humaharap sa peace talks

Idinagdag pa ng Senador, kapag ongoing ang peace talks at mayroong ceasefire ay nagpapa­la­kas ng hanay, nag-aarmas at nagre-recruit ang NPA dahil libreng-libre silang pumasok sa mga barangay at kanayunan.

Nasaksihan at naranasan umano niya ito noong siya pa ay pulis at malamang ay makita pa rin umano ito ng kanyang anak na nag-aaral ngayon para maging pulis.

Nasa dulo na umano ang laban sa mga makakaliwa at dapat tapusin na dahil kapag nawala ang problemang ito ay tiyak na napakaganda na ng Pilipinas.

Isa umano sa paraan laban sa CPP-NPA ay ang pagbubuhos ng infrastructure projects sa kanayunan, sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

CPP

NDF

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with