^

Bansa

‘Total amnesty’ alok sa mga nagkudeta noon vs Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Total amnesty’ alok sa mga nagkudeta noon vs Marcos
Sen. Imee Marcos speaks with members of the media at an event on the Senate premises on Wednesday, June 15, 2022.
The STAR / Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Inalok ni Senator Imee Marcos ng total amnesty ang mga rebeldeng makakaliwa at makakanan na naglunsad noon ng kudeta laban sa administrasyong Marcos.

Kaugnay na rin ito sa ginawang paghingi ng paumanhin sa kanya ng mga dating kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na isinabay sa ika-50 taong paggunita ng deklarasyon ng Martial Law.

Ayon kay Marcos, ginawa niya ang pagbibigay ng total amnesty sa mga ito dahil matagal na niyang gustong makawala sa panahon na ang kanilang pangalan ay pilit umanong sinisira ng salitang martial law.

Ang hakbang ng mambabatas ay ginawa kahit hindi pa man ito natatalakay sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ngayon ay nasa Estados Unidos.

Tiwala naman si Marcos na makukumbinsi niya si PBBM sa pagkakaloob ng total amnesty sa mga dating nag-aklas laban sa kanilang pamilya dahil kahit noong buhay pa umano ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay nagbigay din ito noon ng amnestiya.

AMNESTY

CPP

NDF

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with