^

Bansa

Enrile: 1935 Constitution ibalik, maghalal ng 48 senador

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Enrile: 1935 Constitution ibalik, maghalal ng 48 senador
Dumalo si dating Senate President at ngayo’y Chief Presidential Legal Adviser Juan Ponce Enrile sa pagdinig ng Senate Constitutional Amendments and Revision of Codes, kahapon. Inalalayan siya rito nina Senators Robin Padilla at Sen. Bong Go.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni dating Senator at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na ibalik na lamang ang 1935 Constitution at maghalal ng 48 senador dahil sa lumala­king populasyon ng bansa.

Sinabi ito ni Enrile sa pagdinig ng Constitutional Amendments and Revision of Codes Committee matapos tanungin ni committee chairman Sen. Robinhood Padilla kung ano ang masasabi ng da­ting senador sa deklarasyon ng martial law noong September 21, 1972.

Ayon kay Enrile, sa panahon na iyon ay nabuhay siya sa ilalim ng 1935 Constitution at 1973 Constitution.

Puna niya, ang kasalukuyang 1987 Constitution ay ginawang kumplikado ang mga probisyon sa ilalim ng 1935 at 1973 Constitution.

Para kay Enrile, pinakamagandang saligang batas ang 1935 dahil maikli, simple at madaling mauunawaan subalit kung nagmamadali na baguhin ang saligang batas ay makabubuting bumalik sa 1973 Constitution.

Iminungkahi rin ni Enrile na doblehin ang bilang ng mga Senador na mula ?sa 24 ay gawin na lang 48 dahil lumalaking bilang ng populasyon ng bansa.

Dahil nang gawin umano ang 1935 Constitution ?ay 12 milyon lang ang Filipino noon subalit ngayon ay nasa mahigit 100 milyon na.

 

 

JUAN PONCE ENRILE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with