^

Bansa

‘Freelance Workers’ bill, lusot sa House panel

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aprubado na sa House Committee on Labor and Employment ang panukalang ‘Freelance Workers’ Protection bill’ (HB 2821) na naglalayong bigyan ng ‘legal and contractual protection’ ang mga ‘freelance workers’ at gawing higit na magaan at mainam ang kanilang paghahanap-buhay.

Binalangkas ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, layunin ng HB 2821 na isulong at protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng mga ‘freelance workers,’ tiyakin ang makataong kalagayan at wastong bayad sa kanila, at protektahan ang kanilang mga interes kapag ayaw silang bayaran ng kanilang pinaglilingkuran.

Pinagtibay na ng Kamara ang naturang panukalang batas noong 2021 sa 18th Congress ngunit hindi nakumpleto ang pagsasabatas nito.

Ayon kay Salceda, sa ilalim ng umiiral na Labor Code, walang probisyon tungkol sa ‘freelancing’ at wala ring legal na panuntunan kaugnay nito, kahit na lampas na sa 1.5 milyon ang bilang ng mga Pinoy ‘freelancers’ bago pa nagka-pandemya.

“Kung ito ay maisasabatas, ang mga ‘freelancers’ ay magkakaroon ng ‘contractual protections and tax amnesty’ para sa sarili nilang sektor at dapat rehistrado rin sila sa BIR,” ayon kay Salceda.

Malinaw na isasaad sa panukala ang pagkakaroon ng “written contracts” para sa freelancers, kung saan dapat naka-detalye ang mga kompensasyon, benepisyo, sahod at paraan ng pagbabayad, “period of employment” at Tax Identification Number (TIN) ng freelancer at iba pa.

Kasama sa panukala ang pagbibigay ng hazard pay at night shift differential pay sa mga freelance workers.

vuukle comment

FREELANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with