'Dahil sa kidnappings': Immigration hihigpitan screening vs taga-Cambodia, Vietnam
MANILA, Philippines — Iniutusan ni Bureau of Immigration (BI) commissioner Normal Tansingco ang mga frontline personnel na higpitan ang "screening" sa mga banyagang manggagaling sa bansang Cambodia at Vietnam.
Nangyayari ito kasunod ng mga ulat mula sa local law enforcement agencies ng pagsipa ng kaso ng kidnappings at pangingikil mula sa mga "sindikatong" nanggagaling diumano sa mga naturang bansa.
"This is how immigration works," wika ni Tansingco sa isang pahayag, Martes.
"We look at arrival trends and look for patterns. Our partnership with other law enforcement agencies allows us to see whether there is a need to tighten measures on certain types of travelers."
Inatasan ng immigration official — na nanguna sa ocular inspections sa frontline operations ng BI sa Ninoy Aquino International Airport nitong Biyernes — ang mga immigration officers na agad i-refer para sa secondary inspection ang mga banyagang may kahina-hinalang dahilan ng pagbiyahe sa Pilipinas.
Noong isang linggo lang nang masagip ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group ang nasa 43 Tsino na diumano'y ikinukulong sa isang Philippine offshore gaming operator (POGO) facility sa Angeles City Pampanga.
Ang nabanggit ay ipinasara dahil sa pagiging iligal ng pasilidad at pagkakaugnay nito sa human trafficking.
Kamakailan lang din nang ma-kidnap ang isang babaeng Malaysian national matapos bumisita sa Pilipinas para kitain ang nobyong nakilala sa isang dating app. Nasagip ang biktima na siyang sapilitang pinagtrabaho rin daw sa isang unregistered POGO.
Wika tuloy ni Sen. Imee Marcos, pinag-iisipan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipasara na ang mga POGO dahil sa pagkakakabit ng ilan dito sa krimen.
Paksa sa inquiry ng Senate Committee on Public Order and Dangerous noong nakaraang linggo ang mga nasabing kidnapping.
Pagbabahagi pa ni Tansingco, pahihintulutan ng naturang advanced passenger information system ang ahensya na mas maiging tignan ang trends para makapagpatupad ng mga karagdagang hakbang para sa border security. — James Relativo
- Latest