Text scam, isumbong sa NTC

Ayon sa NTC, ang sinumang may reklamo sa text scam ay maaaring ipagbigay alam sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa kontratextscam@ntc.gov.ph at ilagay ang kanilang kumpletong pangalan, address, email at contact number at ang  screenshot ng text scam message, numero ng nagpadala ng mensahe at larawan ng kahit anong government-issued ID.
Philstar.com / EC Toledo, file

MANILA, Philippines — Hinimok ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko na isumbong sa kanila ang natatanggap na scam text messages.

Ayon sa NTC, ang sinumang may reklamo sa text scam ay maaaring ipagbigay alam sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa kontratextscam@ntc.gov.ph at ilagay ang kanilang kumpletong pangalan, address, email at contact number at ang  screenshot ng text scam message, numero ng nagpadala ng mensahe at larawan ng kahit anong government-issued ID.

Niliwanag ng NTC na ang  personal data ay gagawing confidential alinsunod sa ipinaiiral ng Data Privacy Act.

Maaari ring puntahan ang website ng NTC upang magpasa ng complaint form kaugnay ng reklamo sa text scam.

Show comments