^

Bansa

Endemic stage sa Pinas, ‘di pa naaabot - DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Endemic stage sa Pinas, ‘di pa naaabot - DOH
A long queue of commuters wait for rides along Ortigas Extension in Cainta and Taytay, Rizal on Sept. 14, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Wala pa sa ‘endemic stage’ ang Pilipinas pagdating sa COVID-19 kaya hindi pa nararapat na magkumpiyansa ang mga Pilipino dahil sa maaari pang muling tumaas ang mga kaso sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na dapat ay nasa “acceptable” na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na lang ang naitatala sa bansa at mataas na rin dapat ang vaccination cove­rage o immunity sa kabuoang populasyon bago maikunsidera ang ‘endemic stage’.

Kamakailan ay sinabi ng World Health Organization na ang endemic stage ay na­ngangahulugang mayroon pa ring hawaan ng COVID-19 ngunit mas kontrolado na kumpara sa pandemic stage.

Sa kabila umano na nasa stable na ang mga nadaragdag na bagong kaso ng COVID-19, nananatili pa ring mababa ang booster vaccination coverage sa bansa, katwiran ni Vergeire.

Kailangan pa rin ng pamahalaan na pagtrabahuhan ang pagpapataas sa booster vaccination para tumaas ang ‘wall of immunity’ sa suporta ng mamamayan kung nais talaga ng mga Pilipino na mapigil na ang COVID-19.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with