MANILA, Philippines — Kasado na ang National Climate and Disaster Emergency Forum sa Huwebes, Setyembre 22, sa Discovery Primea Hotel sa Makati.
Itinataguyod ng Pitmaster Foundation na pinamumunuan ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang, ang Forum ay inaasahang dadaluhan ng ilan sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na kinabibilangan nina Finance Sec. Benjamin Diokno, NEDA Director-General Arsenio Balisacan, Energy Sec. Raphael Perpetuo Lotilla, Climate Change Commission Sec. Robert Borje, at DENR Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga.
Dadalo rin sa summit sina UP President Danilo Concepcion at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.
Si Albay Rep. at climate police expert Joey Salceda ang magsisilbing guest speaker sa okasyon.
Bago ito ay nagbigay ng suporta ang Pitmaster Foundation sa ilang environmental rehabilitation efforts ng local government units ng Siniloan, Laguna at Real, Quezon sa pamamagitan ng financial, logistical at staff support para sa naturang forum.
Ang Pitmaster Foundation ay kaisa sa mga ganitong adhikain at makaaasa ng buong suporta para maisulong ang mga climate policies para sa bansa, lalo na pagdating sa community adaptation and renewable energy.