^

Bansa

Pagpapasara sa POGO, pinag-iisipan na ni Marcos Jr.

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagpapasara sa POGO, pinag-iisipan na ni Marcos Jr.
Undated photo shows of guards check the temperature of Chinese POGO workers in Parañaque City.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines —  Pinag-iisipan na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasara sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sinabi ni Sen. Imee Marcos na nakausap niya ang Pangulo noong nagtungo siya sa Palasyo para dumalo sa kaarawan ng kapatid at ito ang isa sa kanilang mainit na napag-usapan.

Iginiit umano ng Senador kay Pangulong Marcos na kung hindi kayang ipatupad ang task force na tututok sa mga iligal na aktibidad ng POGO na mukha umanong hindi talaga dahil ilang taon na ang kaguluhan na ito, ay dapat itigil na lamang.

Sinabi umano ito ni Marcos dahil alam naman niya na ayaw talaga ito ng Presidente tulad ng pag-ayaw sa e-sabong na kikita nga subalit maliit lamang ito at hindi sapat ang halaga para sa krimen tulad ng kidnapping, abduction at iba pa.

Sa tingin din ng senador, mas malaki ang kita ng “under the table” kaysa sa ibinabayad na buwis ng POGO sa gobyerno.

Sa kabila nito ay wala pa umanong pinal na desisyon ang Pangulo kung dapat nang buwagin ang POGO sa bansa.

Naniniwala rin si Sen. Imee na kahit ipasara ang POGO ay hindi ito makakaapekto sa relasyon ng China at Pilipinas.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with