POGO crimes, nagdadala ng takot sa investors

Ito ang apela House Committee on Appropriations Vice Chairman at Iloilo Rep. Janette Garin sa Senado at sa mga kapwa mambabatas sa pamamagitan ng paggawa ng hakbang para ma-ban na sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
AFP

MANILA, Philippines — “I ban ang POGO sa bansa”.

Ito ang apela House Committee on Appropriations Vice Chairman at Iloilo Rep. Janette Garin sa Senado at sa mga kapwa mambabatas sa pamamagitan ng paggawa ng hakbang para ma-ban na sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Garin, ang sunud-sunod na mga insidente ng kidnapping, pagdukot at iba pang iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals ay nagbibigay pangamba sa mga nais mamuhunan sa bansa.

“Now that we are opening up our economy and kidnapping and human trafficking headlining our daily news, it is driving away investors considering that its creating a misinformation that the Philippines is not safe,” ani Garin.

Matatandaang halos sunud-sunod ang isyu at kaso na kinasasangkutan ng POGO  dahil sa pagdukot at human trafficking.

Bagamat malaking revenue ang pinapasok ng POGO sa PAGCOR, sinabi ni Garin na hindi ito sapat kung patuloy na masisira ang imahe ng bansa.

‘It has become a door to several crimes. The Philippine Offshore Gaming Operators hubs have become havens for undesirable aliens, drug and human trafficking, prostitution and other crime syndicates for money laundering and illicit operations,” paliwanag ni Garin.

Sinuportahan ni Garin ang nauna nang pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na pumapabor din sa pagpapahinto ng operasyon ng POGO dahil na rin sa masamang reputasyon na dinudulot nito.

Ang underground operation ng POGO sa Pilipinas ay nagsimula noon pang 2003 subalit noong 2016 ay tumodo ang operasyon nito matapos isalegal sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Show comments