Vic Rodriguez, nagbitiw bilang Executive Secretary
MANILA, Philippines — Nagbitiw sa puwesto si Victor Rodriguez bilang Executive Secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“I have asked permission to step down as Executive Secretary,” pahayag ni Rodriguez.
Mananatili naman si Rodriguez sa administrasyon bilang Presidential Chief of Staff.
“To the Filipino people, I shall continue serving you and the country as the Presidential Chief of Staff,” dagdag niya.
Kinumpirma rin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang pagbibitiw ni Rodriguez.
“We confirm reports that Atty. Vic Rodriguez has stepped down as Executive Secretary,” pahayag ni Angeles.
Sa kanyang pagbibitiw, pinasalamatan ni Rodriguez si Pangulong Marcos dahil sa kanyang tiwala nang ilagay siya sa nasabing posisyon.
“There is nothing more rewarding than answering the call to serve the country, a rare privilege not extended to all but was given to me by the President, His Excellency Ferdinand Romualdez Marcos, Jr.,” ani Rodriguez.
Sinabi rin ni Rodriguez na 24 oras ang trabaho ng Executive Secretary na araw-araw ay kailangan ang serbisyo.
“The work of an Executive Secretary is a 24/7 job with myriad topics expected to be attended to every day. It demands a sense of urgency which essentially requires almost all of a public servant’s time to ensure that services are met and delivered,” ani Rodriguez.
Pero mahalaga rin aniya ang masaksihan niya ang paglago ng kanyang pamilya at makatugon kung kailangan siya ng mga ito.
“Equally valuable, however, is to witness firsthand your young family grow and evolve into how every parent would wish them to become and they most need me too,” dagdag ni Rodriguez.
Sa huli, nagpasalamat si Rodriguez sa Pangulo dahil sa kanyang tiwala at pang-unawa sa kanyang naging desisyon.
Matatandaang nadawit sa kontrobersiya si Rodriguez sa planong pag-aangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal na hindi inaprubahan ng Pangulo.
Wala pa namang napipili si Pangulong Marcos na kapalit sa puwesto ni Rodriguez.
Si Rodriguez ang may pinakamaikling nagsilbi bilang executive secretary, na mahigit dalawang buwan lang.
- Latest