Pagsusuot ng face mask gawing ‘daily habit’ – DOH

Face mask-clad pedestrians cross a road in Manila on September 12, 2022. The Philippines on September 12 lifted a requirement for masks to be worn outdoors, more than two years after imposing the ruling as part of health measures against the COVID-19 coronavirus.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Dapat pa ring ugaliin ng mga Pilipino ang pagsusuot ng face mask kahit nasa labas ng bahay lalo na sa mga lugar na matataas pa rin ang mga kaso ng COVID-19 sa kabila na hindi na ito mandatoryo na gamitin.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na dapat alam din ng publiko kung kailan at saan dapat nilang tanggalin ang kanilang face mask para na rin sa kanilang sariling kaligtasan.

“Alam nating lahat kung ano ang risk level natin, so whenever we will remove our mask, we will always think, ‘Pwede ba ako sa sitwasyon na ito?’” saad ni Vergeire.

Kabilang sa mga sitwasyon na ‘high-risk’ ang maraming tao na nagsisiksikan, saradong lugar, pampublikong saasakyan, o mga lugar na may mababang bentilasyon.

Dapat ding ikonsidera ng bawat isa ang antas ng kalusugan ng sarili nilang katawan, kung malusog ba sila o kabilang sa ‘immunocompromised’ at madaling mahawaan ng sakit.

Unang kinontra ng DOH ang suhestiyon na hindi na gawing mandatory ang face mask sa mga ‘outdoors’ ngunit inaprubahan din kinalaunan ito ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr.

Show comments