MANILA, Philippines — Isa nang ganap na severe tropical storm ang bagyong "Nanmadol" (international name), na siyang titindi pa patungong typhoon sa susunod na 24 oras posible kasabay ng pagpasok nito sa Philippine area of responsibility.
Huling namataan ang sentro ng bagyo 1,830 kilometro silangan hilagangsilangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa PAGASA bandang 4 a.m., Huwebes.
- Bilis ng hangin: 95 kilometro kada oras
- Bugso ng hangin: hanggang 115 kilometro kada oras
- Direksyon: kanluran hilagangkanluran
- Pagkilos: 15 kilometro kada oras
"NANMADOL was upgraded to severe tropical storm category at 2:00 AM today," sabi ng state weather bureau.
"Present forecast scenario shows that this tropical cyclone will reach typhoon category within 24 hours."
Babansagang "Josie" ang bagyo pagpasok nito ng PAR, posible nggayong gabi o bukas ng umaga.
Nakikitang mananatiling malayo ang tropical storm sa Philippine landmass at hindi direktang makakaapekto sa weather condition ng bansa.
"However, it may enhance the Southwest Monsoon within the forecast period," saad pa ng local meteorologists.
"As such, monsoon rains are possible over the western sections of Southern Luzon, Visayas, and Mindanao in the next 24 hours."
Ang pagpapalakas ng bagyo sa Habagat ay maaaring magdala rin daw ng mahahanging kondisyon na aabot ng "strong breeze" hanggang "near-gale" na lakas sa:
- Visayas
- MIMAROPA
- Bicol Region
- hilaga at kanlurang bahagi ng Mindanao