^

Bansa

Pabrika, construction site lagyan ng karatula ng suweldo ng mga obrero

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pabrika, construction site lagyan ng karatula ng suweldo ng mga obrero
Naniniwala naman si Senator Raffy Tulfo na magiging epektibo itong paraan upang masawata ang mga employer na hindi nagbibigay ng tamang serbisyo at benepisyo tulad umano dito sa Metro Manila kung saan P570 ang minimum na pasahod subalit may nagpapasuweldo ng P200 hanggang P300 lamang.
STAR/ File

Panukala ni Sen. Tulfo

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Senador Raffy Tulfo sa Department of Labor and Employment (DOLE) na pagkabitin ang mga pabrika, construction site at mga katulad na work places ng malalaking karatula tungkol sa minimum na suweldo at mga benepisyo na dapat matanggap ng mga mangagawa.

Sa pagdinig ng senate committee on labor and employment, binanggit ng senador na mabuti ring isulat sa karatula ang 13th month pay, gayundin ang computation ng overtime at holiday pay gayundin ang hotline ng DOLE na maaaring tawagan ng inaagrabyadong manggagawa.

Naniniwala naman si Tulfo na magiging epektibo itong paraan upang masawata ang mga employer na hindi nagbibigay ng tamang serbisyo at benepisyo tulad umano dito sa Metro Manila kung saan P570 ang minimum na pasahod subalit may nagpapasuweldo ng P200 hanggang P300 lamang.

Nangako naman si DOLE Secretary Beinvenido Laguesta na ikokonsidera ang mungkahi ni Tulfo at nagbigay ng katiyakan na kumikilos ang DOLE para hindi maabuso  ang mga manggagawa.

Sa ngayon umano ay dalawang beses nag iinspeksyon ang DOLE sa malalaking pagawaan lalo na sa mga inirereklamo sa kanila, bagamat humihingi si Laguesma ng sapat na panahon para matugunan ang mga isyu ng hanay ng mga manggagawa.

DOLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with