Pagsusuot ng face mask, boluntaryo na lang!
MANILA, Philippines — Nagpalabas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa labas at sa mga hindi mataong lugar sa buong bansa.
“The voluntary wearing of face masks in open spaces and non-crowded outdoor areas with good ventilation, is hereby allowed,” nakasaad sa EO 3 ni Marcos.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles “effective immediately” ang naturang kautusan kapag nailathala na sa Official Gazette o sa mga pahayagan.
Gayunman, itinatakda pa rin ang paggamit ng face masks sa “indoor, private or public establishments, including in public transportation by land, air or sea, and in outdoor settings where physical distancing cannot be maintained.”
At kahit boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask, hinihikayat pa rin na magsuot nito ang mga immunocompromised, seniors at hindi kumpleto ang bakuna.
Nang tanungin kung bakit pumayag si Marcos sa voluntary use ng face masks sa outdoor settings, sinabi ni Cruz-Angeles na 6% na lang ang layo ng bansa sa tinawag niyang “wall of immunity.”
“He had imposed a condition and one of that is the establishment of the wall of immunity since we are 6% away from that then it’s time. So we’re doing this in stages, in phases so that we can have feedback on whether or not these new policies are working and how to make them more efficient,” paliwanag ni Cruz-Angeles.
“Hopefully, by the end of the year, we might be able to have a... to be voluntarily mask indoors as well,” patuloy niya.
Idinagdag din ni Angeles na tatlong buwan na lamang ang posibleng itagal ng pinalawig na state of calamity na may kinalaman sa COVID-19 upang matiyak na hindi masasayang ang mga benepisyo sa ilalim nito.
- Latest