MANILA, Philippines — Napanatili ng Tropical Storm Inday ang lakas nito habang kumikilos pakanluran sa bandang Philippine Sea.
Ayon sa huling ulat ng PAGASA, Huwebes, namataan ang sentro ng bagyo 1,215 kilometro silangan ng Gitnang Luzon bandang 4 a.m.
- Lakas ng hangin: 75 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 90 kilometro kada oras
- Direksyon: pakanluran
- Bilis: 15 kilometro kada oras
"INDAY is forecast to move generally northwestward over the Philippine Sea before turning more northward on Monday towards the vicinity of the Ryukyu Islands and the East China Sea, " wika ng state meteorologists kanina.
"On the track forecast, INDAY may exit the Philippine Area of Responsibility on Sunday or Monday."
Maaari pa ring tumindi at maging severe tropical storm category ang sama ng panahon sa susunod na 24 oras, ngunit mababa pa raw ang tiyansang maapektuhan nito nang direkta ang panahon sa bansa sa buong forecast period.
Sa kabila nito, hindi pa nawawala ang posibilidad ng "rapid intensification" nito.
"Tropical Storm INDAY may bring moderate rough seas over the seaboards of Extreme Northern Luzon (1.5 to 3.5 m) beginning on Saturday," dagdag pa ng state weather bureau.
"These conditions may be risky for those using small seacrafts. Mariners are advised to monitor for updates, take precautionary measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditoons during the said period."
Una nang sinabi ng PAGASA na may posibilidad na maging isang ganap na typhoon ang bagyo.
Bandang 7 p.m. Miyerkules nang gabi nang makapasok sa PAR ang bagyo. Wala pa namang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang bahagi ng Pilipinas sa ngayon.