MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na masusi nang pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang luwagan na ang face mask rule sa bansa.
Ayon kay Abalos, kailangan nilang pag-aralang mabuti ang naturang panukala lalo na ngayong patuloy pa rin ang laban ng bansa kontra COVID-19.
Sinabi ni Abalos na maaaring maglabas ang IATF ng desisyon hinggil sa isyu sa katapusan ng linggong ito.
Nanatili rin naman munang tikom ang bibig ng kalihim sa pagbibigay ng detalye hinggil sa kanilang isinagawang pagpupulong.
“Well number 1, as previously agreed with the IATF, kay Pangulong Digong hanggang ngayon, everything would be kept a secret until the final result,’’ ani Abalos.
Humingi rin ang DILG chief ng paumanhin dahil sa kanyang pagtanggi na magbigay ng detalye hinggil sa pulong ng IATF ngunit tiniyak na ang naturang isyu ay kanilang tinalakay at pinag-aaralan sa ngayon.