^

Bansa

P50K sahod kada buwan, hirit ng Pinoy nurses

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P50K sahod kada buwan, hirit ng Pinoy nurses
Health workers from the government-run Philippine General Hospital hold placards as they ask the government to release their risk allowances amid rising Covid-19 coronavirus infections, in Manila on August 26, 2021.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa gobyerno na pabutihin ang kundisyon ng mga nurse sa bansa, kabilang ang pagbibigay ng P50,000 basic salary kada buwan, upang mahikayat ang kanilang mga kasamahan na manatili sa Pilipinas.

Sa isang pahayag sinabi ng FNU ang hinihinging ‘entry salary’ na P50,000 sa pampubliko at pribadong nurses, ay makakatulong na mabuhay sila ng disente at katumbas umano ng krusyal na papel nila sa promosyon at proteksyon ng kalusugan ng mga Filipino.

Sa kasalukuyan, higit sa 100,000 nurses sa pribadong sektor ang sumasahod lamang umano ng P537 kada araw sa Metro Manila at mas mababa pa sa labas nito.  Mas mababa ito sa P570 na minimum wage sa NCR.

Sa mga pampublikong ospital naman, nasa P35,000 lamang ang ‘minimum salary’ na bagaman mas mataas ay matindi naman umano ang sakripisyo nila dahil sa rami ng trabaho at pasyente.

“Lahat kami sa go­vernment at nurses sa private sector ay medyo hirap talaga kaya ‘di niyo kami mapipigilan na umalis ng bansa kasi mas mataas ang ino-offer nila sa amin,” saad ni Ivan Paguio, pinuno ng FNU-San Lazaro Hospital.

Sinabi naman ni FNU vice presidente Elea­nor Nolasco na may pondo naman para dito ang pamahalaan. Maari umanong makuha ito sa ‘unprogrammard funds’ para sa pagtataas sa sahod at pagkuha pa ng dagdag na 42,000 nars para sa mga barangay health centers at 10,000 na mare-regular.

Nagpahayag naman ng suporta si Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panawagan ng mga nurse at iginiit sa Department of Budget and Management at mga mambabatas na gumawa na ng hakbang para maisabatas ito.

NURSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with