Aangkating asukal, dapat konti lang sugar producers
MANILA, Philippines — Nanindigan ang mga sugar producers sa bansa na hindi kailangang mag-angkat ang Pilipinas ng maraming bulto ng asukal.
Ayon kay Manuel Lamata ng United Sugar Producers Federation, dapat kaunti lamang ang dami ng asukal na aangkatin dahil nag-uumpisa na ang sugar milling sa ibang bahagi ng bansa.
May 300,000 metrikong tonelada ng asukal ang nais na angkatin ng pamahalaan.
Ayon kay Lamata, dapat ay kalahati lamang nito ang angkatin ng Pilipinas dahil ngayong buwan ay unti-unti nang nag-aani ng tubo ang mga sugar farmers na susustina sa pangangailangan ng bansa sa asukal.
“150,000 okay tayo doon kasi sobra-sobra na swapang ‘yung mga retailer, trader. Sobra na ‘yung 100,000. Pagpasok po ng 150 po sigurado bababa ‘yan. Malaki na po ang na-milling natin, by the end of this month po siguro rest assured mga 100,000 tons of raw sugar po, na-produce na,” paliwanag ni Lamata.
Una rito, sinabi ng grupo ng sugar farmers na Sinag na hindi na kailangan ng sugar importation dahil magiging stable na ang suplay ng asukal sa bansa dahil sa inaasahang pag-ani ng tubo ng mga local farmers na pupuno sa pangangailangan sa suplay ng bansa.
- Latest