Henry bumilis, napanatili ang lakas
MANILA, Philippines — Bumilis at napanatili ang lakas ng Bagyong Henry habang kumikilos pahilagang direksiyon ng bansa.
Sa 11 am advisory ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 405 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 150 km kada oras at pagbugso na 185 km kada oras.
Dahil dito,nanatili sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 ang Batanes habang nasa Cyclone Wind Signal Number 1 ang Babuyan Islands at northeaster portion ng mainland Cagayan partikular na ang Santa Ana.
Patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands.
Inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo Sabado ng gabi.
- Latest