^

Bansa

P9 bilyong pondo ng Office of the President, oks agad sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P9 bilyong pondo ng Office of the President, oks agad sa Kamara
Sa budget deliberations ng proposed P9.031,722,000 pondo ng OP ay agad naghain ng mosyon si House Majority Leader Mannix Dalipe na tapusin na ang budget hearing para sa OP.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Agad na inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang mahigit P9 bilyong panukalang budget ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.

Sa budget deliberations ng proposed P9.031,722,000 pondo ng OP ay agad naghain ng mosyon si House Majority Leader Mannix Dalipe na tapusin na ang budget hearing para sa OP.

“By tradition, we’ll be sending parliamentary courtesy to a co-equal branch in government. I move to terminate the budget briefing of the Office of the President,” pahayag ni Dalipe.

Sa ilalim ng P5.268 Trillion 2023 National Expenditure Program (NEP), humihingi ang OP ng P9.03B kabilang ang P4.5 bilyon para sa confidential at intelligence funds, at P893.97-M sa local at foreign visits at state visits.

Agad namang nagpasalamat si Executive ­Secretary Vic Rodriguez sa mga Kongresista sa mabilis na pagtapos sa deliberasyon ng panukalang budget ng OP na anya ay para sa 112M Pinoy.

Target maipasa hanggang Oktubre 1 ang 2023 national budget na ipapadala sa Senado para magsagawa rin ng deliberasyon at malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago mag-Pasko.

OFFICE OF THE PRESIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with