^

Bansa

Presyo ng bigas, tataas ng P4 sa Oktubre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng bigas, tataas ng P4 sa Oktubre
A vendor sells a variety of rice products at the Antipolo market on May 13, 2022.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagbanta ang farmers group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na posibleng tumaas ang presyo ng bigas ng mula P3 hanggang P4 sa susunod na buwan ng Oktubre.

Ito, ayon sa SINAG ay dahil hindi naibigay ng pamahalaan sa mga palay farmers ang cash aid na gagamitin sana sa panahon ng pagtatanim.

Dahil anila sa delay ng pagkakaloob ng ayuda, tumaas na ang presyo ng input sa mga sakahan na ugat ng pagtataas sa presyo ng bigas.

Nilinaw naman ng Department of Agriculture (DA) na dahil kulang sa requirements na kailangan para maipalabas ang pondo sa mga magsasaka kayat hindi naibigay sa tamang oras ang cash aid.

May P5,000 ang cash aid ng bawat magsasaka.

Sinasabing ang requirement lamang ng Landbank ay ang magkasamang magpapalitrato ang mga tauhan ng DA sa mga magsasaka.

Hindi naibigay ang picture dahil walang photographer ang DA noong panahong iyon.

Gayunman, nangako si DA Undersecretary Domingo Panganiban na pabibilisin na ang gagawing pamamahagi ng ayudang pondo sa mga magsasaka.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with