Super Typhoon Henry lumakas
MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang Super Typhoon Henry habang kumikilos sa timog timog kanluran ng northeast direction ng Batanes.
Sa ?11 am advisory ng PAGASA, ang sentro ni Henry ay namataan sa layong 430 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ito pa-timog timog kanluran sa bilis na 25kph taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 195 kph at bugso na umaabot sa 240 kph.
Palalakasin ni Henry ang habagat kaya’t makakaranas ng pag-uulan sa western section ng Luzon ngayong Biyernes.
Samantala, ang bagyong Gardo ay isa na lamang Low Pressure Area (LPA) alas-8 ng umaga kahapon. Ang LPA ay namataan sa layong 760 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Bagamat isa nang LPA, ito ay sasama kay Henry na magdudulot ng mga pag-ulan sa nabanggit na mga lugar.
- Latest