^

Bansa

Bagyo uli: Typhoon Hinnamnor posible pasukin PAR sa Miyerkules, tatawaging 'Gardo'

James Relativo - Philstar.com
Bagyo uli: Typhoon Hinnamnor posible pasukin PAR sa Miyerkules, tatawaging 'Gardo'
Satellite image ng Typhoon "Hinnamnor" (international name)
Joint Typhoon Warning Center

MANILA, Philippines — Isang potential "super typhoon" ang nagbabadyang pumasok sa Philippine area of responsibility bukas ng gabi, ito ilang araw pa lang matapos makalayo ang nagdaang bagyong "Florita."

Namataan ng PAGASA ang Typhoon "Hinnamnor" (international name) sa layong 1,655 kilometro silangan hilagangsilangan ng Dulong Hilagang Luzon bandang 10 a.m., Martes, ayon sa PAGASA.

  • Lakas ng hangin: 165 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng Hangin: hanggang 205 kilometro kada oras
  • Direksyon: pakanluran
  • Bilis: 30 kilometro kada oras

"On the track forecast, 'HINNAMNOR' may enter the PAR region tomorrow evening," wika ng state weather bureau kanina.

"Once inside the PAR, the domestic name 'GARDO' will be assigned to this tropical cyclone."

Maaari pang lumawak ang tropical cyclone winds ng bagyong HInnamnor at habang lumalapit ng hilagang Philippine Sea.

Dahil dito, posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa Dulong Hilagang Luzon habang nasa loob ng PAR ang typhoon.

"This typhoon may continue to rapidly intensify over the sea south of Japan and reach Super Typhoon category within 24 hours," sabi pa ng PAGASA.

Maaaring magdala ng matataas na alon ang bagyo sa ibabaw ng northern at seastern seaboards ng Luzon simula Huwebes o Biyernes. Dahil dito, magiging delikado ito para sa mga maliliit na sasakyang pandagat.

Inaabisuan naman ang mga mariners na patuloy magmonitor para sa mga updates.

Meron ding namuong low pressure area (LPA) bandang 1,210 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon kaninang madaling araw.

"Ang magiging scenario ng [LPA], una may posibilidad na maging bagyo, pangalawa itong bagyo na nasa labas ng [PAR] ay maaaring higupin ito," ani PAGASA weather specialist Aldczar D. Aurelio sa isang ulat kaninang 5 a.m.

Ngayong araw lang nang sabihin na umabot na sa P571 milyon ang pinsala sa imprastruktura ng bagyong "Florita" na kaalabas lang ng PAR ilang araw pa lang ang nakalilipas.

FLORITA

GARDO

LOW PRESSURE AREA

PAGASA

SUPERTYPHOON

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with