^

Bansa

Industriya ng asin, pinabubuhay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Industriya ng asin, pinabubuhay
A salt storage worker from Kawit, Cavite shared that a sack of salt now costs P200 to P300. Department of Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban said on Monday that the country is facing shortage on the salt supply.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Nabahala si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa pahayag ng Department of Agriculture na diumano’y hindi kaya ng Pilipinas na gumawa ng asin para sa pansariling gamit dahil sa kapabayaan ng gobyerno sa nagdaang 15 na taon.

“Nakakahiya naman po ito para sa isang bansang arkipelago na may mahigit na 36,000 kilometro ng baybayin. Huwag po nating sayangin pa ang potensyal nitong lumikha ng trabaho para sa bawat Pilipino sa bawat pulo ng bansa sa pagbuhay muli ng industriya ng salt production,” sabi ng senador.

Napabalita rin na sinabi ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. na kasalukuyang umaangkat ng 93 porsyento ng asin ang bansa mula sa Australia at Tsina.

Kinumpara ito ni Villanueva sa ulat noong 15 porsyento lamang ang inaangkat ng asin ng bansa noong 1990.

“I am quite salty about the state of our salt production industry. Hindi pa po huli na maging net exporter tayo ng asin,” ani Villanueva.

Kaugnay nito inihain ni Villanueva ang Senate Resolution No. 100 para imbestigahan kung paano pababangunin muli ng gobyerno ang salt production industry ng bansa upang makalikha ng trabaho at magpalago ng ekonomiya.

Sinabi ni Villanueva na kailangang matugunan ng ­gobyerno ang mga balakid sa pag-unlad ng salt production industry ng bansa. Kasama rito ang pangangailangan sa mga storage facilities, at kakulangan sa mga kagamitang gaya ng mga water pump at bangka para sa paghakot at pag-imbak ng asin.

vuukle comment

JOEL VILLANUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with