MANILA, Philippines — Pansamantalang maantala ang "closing preparations" sa paghahati ng ABS-CBN at MediaQuest sa shares ng TV5 upang sagutin ang mga kwestyong ibinabato sa ngayon ng ilang mambabatas at National Telecommunications Commission (NTC).
Ika-11 lang ng Agosto nang i-anunsyo ng dalawang media companies na napagkaisahan nilang bigyan ng ng 34.99% ng total voting at outstanding capital stock ng TV5 ang ABS-CBN habang ibababa naman sa 64.79% ang hawak ng MediaQuest sa Kapatid Network.
Related Stories
Sa kabila nito, agad itong pinalagan ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba at sinabing dapat munang maklaro ng Kapamilya Network ang kanilang mga "violations" na naging dahilan daw kung bakit ipinagkait noon ng Konggreso ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020.
"To address the issues which have been raised by certain legislators and the [NTC] on the proposed investment by ABS-CBN for a minority interest in TV5, ABS-CBN and TV5 have agreed to a pause in their closing preparations," wika ng dalawang kumpanya sa isang joint statement, Miyerkules.
"This pause will give the space for both media organizations to respond to the issues and accommodate any relevant changes to the terms."
READ: Official statement of ABS-CBN regarding the issues raised by legislators and National Telecommunications Commission on the partnership of ABS-CBN and TV5. pic.twitter.com/krqgqTCfSn
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) August 24, 2022
JUST IN | Napagdesisyunan ng TV5 at ABS-CBN na ihinto muna ang kanilang closing preparations para tugunan ang mga isyu ng ilang mambabatas at National Telecommunications Commission kaugnay sa investment deal ng dalawang network. pic.twitter.com/Eb4FZCvEHf
— News5 (@News5PH) August 24, 2022
Ang lahat ng ito kahit na Bureau of Internal Revenue na regular namang naghahain at nagbabayad ng tamang buwis ang ABS-CBN, maliban pa sa "pagsunod sa lahat ng labor laws."
Matatandaang hindi nagawaran ng bagong legislative franchise noon ang ABS-CBN kung kaya't nahainan sila ng "cease and desist order" ng NTC.
"Both ABS-CBN and TV5 believe that an agreement between the two media companies will have a favorable impact on Philippine media, and on free-to-air television — which remains the most affordable and extensive source of entertainment and public service to Filipinos," panapos ng Kapamilya at Kapatid Networks.
Bago ang deal sa pagitan ng dalawang kumpanya, ineere na noon ang ilang palabas ng ABS-CBN sa TV5 bilang block-timer.
Una nang Enero 2022 lang nang maibalitang inilipat na ng NTC sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni dating Sen. Manny Villar ang pagpapatakbo sa mga frequencies na dating naka-assign sa ABS-CBN.
Dati nang nabatikos ang pagkawala ng ABS-CBN sa ere ng mga press freedom advocates at labor groups lalo na't nabawasan pa raw ng mapagkukunan ng impormasyon ang publiko, maliban pa sa pagkakawala ng trabaho ng libu-libong manggagawa't empleyado. — may mga ulat mula sa News5