^

Bansa

DMW at DOLE naglatag ng programa para sa OFWs

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
DMW at DOLE naglatag ng programa para sa OFWs
Twenty-one Filipino seafarers of bulk carrier M/V S-Breeze from Ukraine arrived at the NAIA Terminal 1 in Paranaque City on Tuesday (March 8, 2022).
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Tinalakay sa ika-5 meeting ng Gabinete na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga prayoridad ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Iniharap ng DMW at DOLE ang kanilang mga plano para makatulong sa pagpapagaan ng kala­gayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa bansa at sa ibayong dagat.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nagprisinta ang DMW ng mga plano ukol sa repatriation, digitalization, negotiations na nakapaloob sa mga bilateral labor agreements – programa para sa mga anak ng overseas Filipino Workers; reintegration ng mga OFWs, scholarships, protektion at kalusugan nila.

Ayon sa Office of the President, nangako ang DMW na uunahin ang pagpapatupad ng One Repatriation Command Center (ORCC), OFW Mobile Application, at National Reintegration Program.

Nauna nang tiniyak ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na ang kanyang departamento ay magpapataw ng mas mahigpit na hakbang upang maprotektahan ang mga karapatan at kapakanan ng mga OFW, partikular ang mga domestic worker.

Itinatag ang ORCC upang magbigay ng agarang tugon sa repatriation, welfare, at iba pang alalahanin ng mga distressed OFWs.

Samantala, sinabi ng DOLE kay Marcos na ang pagpapataas ng mga oportunidad sa trabaho, pagtiyak ng “makatarungan at makatao” na mga kondisyon sa pagtatrabaho, at paghahatid ng maagap at tuluy-tuloy na mga serbisyo sa mga tao ang pangunahing prayoridad ng ahensya.

DMW

DOLE

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with