^

Bansa

180 pamilya inilikas kay ‘Florita’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot sa 180 pamilya o 543 indibidwal ang pinalikas sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa Severe Tropical Storm Florita nitong Martes.

Batay sa situational report, sinabi ng NDRRMC na 110 pamilya o 391 indibidwal ang lumikas mula sa CAR, at 70 pamilya o 152 indibidwal ang mula sa Cagayan Valley.

Kanselado rin ang klase sa 162 lungsod at munisipalidad — 77 mula sa CAR, 58 mula sa Ilocos Region, 21 mula sa Cagayan Valley, at tig-tatlo mula sa Central Luzon at Bicol Region.

Suspendido rin ang trabaho sa 60 lungsod at munisipalidad, 58 sa mga ito ang mula sa Ilocos Region, at dalawa mula sa Cagayan Valley.

Naitala rin ng NDRRMC ang tatlong rain-induced landslides sa Ilocos Region at Bicol Region, at dalawang flooding incidents sa Ilocos Region.

Hindi naman madaraanan ang tatlong kalsada sa Bicol Region, at isang tulay sa Cagayan Valley.

Samantala, ilang domestic flights na naka-iskedyul para sa Martes, Agosto 23, ang kanselado, ayon sa Manila International Airport Authority.

CAR

NDRRMC

TROPICAL STORM FLORITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with