^

Bansa

Pasok suspendido sa gov't offices, eskwela sa NCR, 6 lalawigan dahil kay 'Florita'

Philstar.com
Pasok suspendido sa gov't offices, eskwela sa NCR, 6 lalawigan dahil kay 'Florita'
Makikitang inaanunsyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang mga suspensyon ng pasok sa mga opisina ng gobyerno at pampublikong paaralan sa Metro Manila at ilang karatig na probinsya dahil sa bagyong "Florita"
Video grab mula sa RTVM Youtube channel

MANILA, Philippines — Suspendido na ang pasok sa lahat ng pampublikong paaralan at tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at anim pang probinsya mula ngayon hanggang ika-24 ng Agosto dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm "Florita" at Habagat.

Nag-ugat ito sa mungkahi ng National National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nilagdaan, Martes.

"Nag-issue na po kami ng announcement na ang trabaho at pasok sa lahat ng lebel in the public sector ay suspendido na po today and tomorrow," ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Martes, sa isang press briefing.

"Sa pribadong sektor, base 'yun sa discretion ng employers. Pero rekomendado na isuspindi na rin."

Sakop ng naturang suspensyon ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan.

Kasalukuyang Signal No. 3 sa hilagang bahagi ng Ilocos Norte, Apayao, katimugang bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan at hilagangsilangang bahagi ng Isabela dahil sa bagyo.

Una nang nag-anunsyo ng pagkakaantala ng mga klase sa sari-saring paaralan sa Pilipinas kahit na kasisimula pa lang ng face-to-face classes nitong Lunes. — James Relativo

FLORITA

NDRRMC

SEVERE TROPICAL STORM

WALANG PASOK

WORK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with