MANILA, Philippines — Patuloy na nananalasa at ngayo'y severe tropical storm na bagyong 'Florita' at tinayatayang magla-landfall sa hilagang Isabela o Cagayan ngayong umaga o hapon ngayong araw.
Namataan ang mata ng bagyo sa coastal waters ng Palanan, Isabela bandang 7 a.m., ayon sa huling weather update ng PAGASA ngayong Martes.
- Lakas ng hangin: 95 kilometro kada oras
- Bugso ng hangin: 115 kilometro kada oras
- Pagkilos: pahilaga hilagangkanluran
- Bilis: 20 kilometro kada oras
"Severe Tropical Storm FLORITA will continue to move generally northwestward and is forecast to make landfall in the vicinity of northern Isabela (coast of Palanan, Maconacon, or Divilacan) this morning or in the vicinity of Cagayan (coast of Gattaran, Baggao, or Peñablanca) before noon or by early afternoon today," ayon sa ulat ng state meteorologists kanina.
Dahil sa pagtindi ng bagyo, itinaas ang tropical cyclone wind signals sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Signal no. 3:
- katimugang bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Fuga Is., Dalupiri Is.)
- hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca)
- silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)
Dahil diyan, merong storm-force winds na nararanasan o mararanasan sa loob ng 18 oras sa mga nabanggit na lugar.
Signal no. 2:
- nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
- nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
- nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino
- hilaga at silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Quezon, Diadi, Bagabag, Villaverde, Solano, Kasibu)
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- hilagang bahagi ng Benguet (Buguias, Bakun, Mankayan, Kibungan)
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
Gale-force winds ang umiiral o mararanasan sa mga nasabing erya sa loob ng 36 oras.
Signal no. 1:
- Batanes
- nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
- nalalabing bahagi ng Benguet
- La Union
- Pangasinan
- silangang bahagi ng Tarlac (San Clemente, Camiling, Moncada, San Manuel, Anao, Santa Ignacia, Gerona, Paniqui, Ramos, Pura, Victoria, La Paz, City of Tarlac, Concepcion)
- Nueva Ecija
- nalalabing bahagi ng Aurora
- silangang bahagi ng Pampanga (Magalang, Arayat, Candaba)
- silangang bahagi ng Bulacan (San Ildefonso, San Miguel, Doña Remedios Trinidad, San Rafael, Angat, Norzagaray, City of San Jose del Monte)
- silangang bahagi ng Rizal (Rodriguez, San Mateo, City of Antipolo, Tanay, Baras)
- hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag) kasama ang Polillo Islands
- hilagang bahagi ng Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete)
- Camarines Norte
Malalakas na hangin ang nararanasan o maaasahan sa mga nasabing lugar sa loob ng 36 oras.
"Heavy to intense with at times torrential rains over Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, and Zambales [will be experienced today]," dagdag pa ng PAGASA kanina.
"Moderate to heavy with at times intense rains over the northern portion of Aurora, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Rizal, and the rest of Cagayan Valley. Light to moderate with at times heavy rains over Camarines Norte, and the rest of Central Luzon and CALABARZON."
Sa ilalim ng mga nasabing kondisyon, inaasahan ang kalat-kalat hanggang malawakang pagbaha at rain-induced landslides sa mga lugar kung saan ito madalas mangyari ayon sa hazard maps.
Magdadala rin ang Hanging Habagat ng mga pag-ulan sa Western Visayas, MIMAROPA at nalalabing bahagi sa susunod a 24 oras.