Ayuda ng DSWD sa mga estudyante, pinuri
MANILA, Philippines — Pinuri at pinasalamatan ni Benguet Congressman Eric Yap ang pagsusumikap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mas marami pang Pinoy at mga estudyante na nangangailangan na mapagkalooban ng kaukulang tulong.
Ayon kay Cong. Yap, sa unang araw pa lamang ng pagbibigay ng ayuda ay maraming mag-aaral na ang nabigyan ng DSWD ng Educational Assistance para sa mga indigent students nitong Sabado.
Sinabi ni Rep. Yap, sa nakalipas na maraming taon na ipinatutupad ng DSWD ang Assistance to Individuals in Crisis (AICS) ay halos hindi ito batid ng mamamayan pero ngayon ay isinapubliko ni DSWD Sec. Erwin Tulfo upang makatulong sa mas maraming disadvantaged individuals na mag-aaral.
Ani Yap, kinilala ng DSWD ang pangangailangan ng tulong ng mga mag-aaral na agarang tinugunan ni Sec.Tulfo.
Ipinaliwanag pa ni Rep. Yap na ang naganap sa payout ng DSWD nitong Sabado ay nagpapakita kung gaano karaming mga indigent students ang nangangailangan ng educational cash aid.
- Latest