^

Bansa

Pangulong Bongbong Marcos muling nagtalaga ng mga bagong opisyal sa Sugar Board

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Bongbong Marcos muling nagtalaga ng mga bagong opisyal sa Sugar Board
Kabilang sa itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si David John Thaddeus P. Alba bilang acting administrator ng Sugar Regulatory Administration.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Muling binuo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Sugar Regulatory Board kung saan nag­lagay siya ng tatlong bagong appointees.

Kabilang sa itinalaga ni Marcos si David John Thaddeus P. Alba bilang acting administrator ng Sugar Regulatory Administration.

Pinalitan ni Alba si dating SRA administrator Hermenegildo Serafica na nagbitiw matapos tanggihan ng Pangulo ang Sugar Order No. 4 na nilagdaan ng mga dating miyembro ng Board.

Pinamumunuan ni Marcos ang SRB sa kanyang kapasidad bilang kalihim ng Department of Agriculture.

Ang iba pang bagong hinirang na miyembro ng SRB ay sina Pablo Luis S. Azcona, na kumakatawan sa sugar planters, vice Aurelio Gerardo Valderrama Jr., at Ma. Mitzi V. Mangwag na kakatawan sa sugar millers matapos magbitiw si vice Atty. Roland Beltran dahil sa kalusugan.

Ang SRA, isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na naka-attach sa DA, ay itinatag noong 1986 sa bisa ng Executive Order No. 18

Inaatasang isulong ng SRA ang paglago at pag-unlad ng industriya ng asukal sa pamamagitan ng mas malaki at makabuluhang partisipasyon ng pribadong sektor.

Layunin din nito na tiyaking magiging maayos ang kondisyon ng mga manggagawa sa nasabing sektor.

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with