^

Bansa

Vice President Sara pangungunahan ang pagbubukas ng klase bukas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Vice President Sara pangungunahan ang pagbubukas ng klase bukas
Parents fill out attendance forms during the Brigada Eskwela program for the incoming students of Bulihan Elementary School in Malolos Bulacan on Friday, Aug. 19, 2022.
Philstar.com/ Gladys Cruz

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) kahapon na si Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mangunguna sa pormal na pagbubukas ng School Year 2022-2023 sa bansa, bukas, Lunes, Agosto 22.

Batay sa paabiso ng DepEd sa kanilang Facebook page, gaganapin ang National School Opening Day Program (NSODP) sa Dinalupihan Elementary School na dadaluhan mismo ng bise presidente.

Ayon sa DepEd, sisimulan ang programa ganap na ala-1:00 ng hapon at maaaring panoorin ang livestream nito sa opisyal na Facebook page, YouTube channel, at website ng DepEd Philippines.

Muli rin namang pinaalalahanan ng DepEd ang publiko na iparehistro na ang kanilang mga anak sa paaralan.

Matatandaang ang enrollment period para sa SY 2022-2023 ay sinimulan ng DepEd noong Hulyo 25 at magtatapos sa Lunes, na unang araw ng klase.

Batay sa pinakahuling datos mula sa DepEd-Learner Information System (LIS), hanggang alas-7:00 ng umaga ng Agosto 19, 2022, ay umabot na sa 27,158,578 ang enrollees sa buong bansa para sa SY 2022-2023.

Sa naturang kabuuang bilang, 23,029,151 ang mga mag-aaral na nagpatala para sa formal education habang 4,129,427 ang bilang ng mga mag-aaral na mula sa early registration.

Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,709,599 na sinusundan ng Region III (2,810,330), at NCR (2,406,014).

Una nang sinabi ng DepEd na target nilang makapag-enroll ng mahigit 28 milyong mag-aaral ngayong taon.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with