Senado, naka-total lockdown

Senate of the Philippines.
The STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang “total lockdown” ng Senado hanggang Agosto 22 matapos magkakasunod na tamaan ng COVID-19 ang ilang senador at kanilang mga staff.

Sa ipinalabas na kautusan ni Zubiri, inatasan nito ang lahat ng mga empleyado ng Senado na mag-work from home para bigyang daan ang gagawing disinfection sa gusali.

Muling magsasagawa ng session ang Senado sa Agosto 23.

Kahapon ay nadagdag sa mga nagpositibo sa virus sina Senators JV Ejercito at Nancy Binay. Nauna sa kanila sina Majority leader Joel Villanueva at Sen. Grace Poe.

Samantalang si Sen. Alan Peter Cayetano ay nakarekober na habang si Sens. Imee Marcos at Cynthia Villar ay dumadalo lamang sa virtual session matapos rin na magpositibo sa virus.

Bukod sa mga senador, maging ang kanilang mga miyembro at miyembro ng secretariat ay tinamaan din ng COVID-19 habang kalahati ng staff ni Sen. Loren Legarda ay positibo sa virus.

Show comments