^

Bansa

Ika-2 at ika-3 monkeypox cases natukoy sa Pilipinas, ayon sa DOH

James Relativo - Philstar.com
Ika-2 at ika-3 monkeypox cases natukoy sa Pilipinas, ayon sa DOH
Kuha kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vegeire, ika-19 ng Agosto, 2022, habang ibinabalita ang ikalawa at ikatlong kaso ng monkeypox sa Pilipinas
Video grab mula sa Youtube page ng Department of Health

MANILA, Philippines — Dalawang bagong kaso ng monkeypox ang kinumpima ng Department of Health (DOH) mula sa 34-anyos at 29-anyos na pasyenteng may "recent travel history" sa mga bansang meron ng kumpirmadong sakit.

Ito ang binanggit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeiere, Biyernes, habang nasa media forum.

Narito ang mga detalye patungkol sa dalawang bagong kaso:

Case no. 2

  • 34-anyos
  • nanggaling sa mga bansang may kumpirmadong monkeypox cases
  • nagpositibo sa PCR test na inilabas noong ika-18 ng Agosto, 2022
  • nasa home isolation
  • nagpapatuloy ang contact tracing

Case no. 3

  • 29-anyos
  • nanggaling sa isang bansang may kumpirmadong mga kaso ng monkeypox
  • nagpositibo sa PCR test na inilabas noong ika-19 ng Agosto, 2022
  • naka-isolate sa health facility
  • natukoy at bineberipika pa ang 17 close contacts habang nagpapatuloy ang contact tracing

Matatandaang ika-29 ng Hulyo, 2022 nang unang kumpirmahin ng DOH na nakapasok ang monkeypox sa Pilipinas sa isang 31-anyos na Pilipino, na siyang magaling na sa ngayon.

Dagdag pa ni Vergeire kanina, nakumpleto na ng 10 close contacts ng unang kaso ang kanilang quarantine. Wala nang isinagawang laboratory confirmatory testing sa kanila lalo na't hindi sila nagpakita ng sintomas sa huling assessment.

"We are verifying the current health and quarantine status of these close contacts," sabi pa ng DOH official.

"To comply with the laws on notifiable diseases and data privacy, we cannot release any other details beyond what has already [been] mentioned at this time."

Dahil sa banta ang monkeypox sa kalusugan ng mga Pilipino, pinaalalahanan niya ang lahat na sumunod sa mga minimum public health standards.

Ilan sa mga sintomas ng monkeypox ang lagnat, matinding sakit ng ulo, kulani, pananakit ng likod at katawan, panghihina at rashes na makikita sa mukha, kamay, talampakan, mata, bibig, lalamunan, at maseselan na bahagi ng katawan gaya ng pwet at ari.

Ang nakamamatay na sakit, na unang nakita sa mga tao noong 1970, ay dating nasa mga bansa lang sa Africa ngunit kumalat na rin sa iba't ibang bahagi ng mundo ngayong 2022.

Sa kabila ng lahat ng ito, una nang sinabi ni Vergeire na "irrational" pa ang mga mungkahing isara ang borders ng Pilipinas sa ibang bansa dahil sa sakit.

DEPARTMENT OF HEALTH

MONKEYPOX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with