MANILA, Philippines — Sa botong 7-1, inaprubahan sa House Committee on Higher and Technical Education ang panukalang gawing Ferdinand E. Marcos State University (FEMSU) ang pangalan ng Mariano Marcos State University (FEMSU) — ito'y kahit diktador at may nakaw na yaman ang dating pangulo.
Martes nang pagpulungan ng CHTE ang House Bill 2407 na naglalayong palitan ang pangalan ng isang unibersidad sa Batac, Ilocos Norte, bagay na aamyenda sa Presidential Decree 1279 na dating nagsanib sa Mariano Marcos Memorial College at Northern Luzon State College.
Related Stories
Tanging si Rep. Raoul Manuel ng Kabataan party-list ang bumoto tutol sa HB 2407 kanina.
"Bilang kinatawan po ng mga kabataan... kinikilala ng gobyerno 'yung mga abuso ng Batas Militar pero sa kabilang banda ay may mga hakbang tayo para makatulong na linisin ang reputasyon ni Marcos Sr. sa pagpapangalan nitong unibersidad," wika ni Manuel kanina sa pagdinig.
"I objected and explained why, but no debate ensued and the committee proceeded to voting," dagdag pa niya sa hiwalay na tweet.
With 7-1 vote, House Committee on Higher and Technical Education approved the bill to rename a state university into the Ferdinand E. Marcos State Univ (FEMSU)!
I objected and explained why, but no debate ensued and the committee proceeded to voting.
????????????— Raoul Manuel #Kabataan (@iamRaoulManuel) August 16, 2022
Si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay kilalang nagdeklara ng Martial Law noong 1972 hanggang 1981, dahilan para ikulong ang 70,000 katao, i-torture ang 34,000 at patayin ang nasa 3,200 noong panahon ng diktadura, ayon sa Amnesty International.
Kinikilala rin ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017 na merong nakaw na yaman ang kanilang pamilya, bagay na tinatayang nasa $5 bilyon hanggang $10 bilyon.
Si Marcos Sr. ay tatay ng kasalukuyang presidente na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dulot ng kalituhan?
Ngayong Hulyo lang nang ihain ni Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba, pinsan ni Bongbong, ang HB 2405 sa layuning kilalanin ang "unparalleled vision and undying legacy" ni Macoy.
Ilocos Norte 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba files House Bill No. 2407 seeking to rename the Mariano Marcos State University to Ferdinand Marcos State University in Batac City. @News5PH @onenewsph pic.twitter.com/PmMnmbpqkc
— Marianne Enriquez (@mariannenriquez) August 3, 2022
"Just to clarify here, there is another university in La Union named after Don Mariano Memorial State University," paliwanag ni Baguio City Rep. Mark Go, chairperson ng komite, kanina.
"One of the reasons during our last Congress why they want to change it to Ferdinand Marcos is... right now when it is mentioned... they don't know whether it is in Ilocos or in La Union."
Matatandaang pumasa sa ikatlo at huling pagdinig ng 18th Congress ang kaparehong panukala.
Giit tuloy ni Manuel, labis nilang tututulan ang panukala oras na magsimula na ang plenary debates.