^

Bansa

ES Rodriguez ‘nilinis’ ng Palasyo sa import ng asukal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
ES Rodriguez ‘nilinis’ ng Palasyo sa import ng asukal
Executive Secretary Victor Rodriguez spoke before the members of the Malacañang Press Corps at the Premier Guest House in Malacañang Palace on July 22, 2022
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Agad na nilinis kahapon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang pangalan ni Executive Secretary Victor Rodriguez tungkol sa isyu nang naunsyaming importasyon ng asukal.

Ipinagtanggol ni Angeles si Rodriguez dahil ito pa aniya ang nakahuli at nagpakita kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng resolusyon na pinirmahan ng Sugar Regulatory Board tungkol sa planong pag i-import ng 300,000 metric tons ng asukal.

“Actually, siya (Rodriguez) po ‘yung nakahuli nito. Siya po ‘yung nagdala ng issue sa Presidente at ipina­kita iyong resolusyon na pinirmahan ng Board na illegally nag-convene. At si Presidente mismo ang nagsabi, saka hindi raw niya pinayagan itong importation na ito. So doon po lahat nag-umpisa at nakikita natin na it was ES din po ang gumawa,” paliwanag ni Angeles.

Sinabi rin ni Angeles na hindi niya alam kung saan nanggagaling ang isyu at pilit na idinidikit ang pangalan ni Rodriguez sa isyu.

Ayon pa kay Angeles, may mga prosesong ­pinagdaraanan bago mag-import ng isang produkto.

Nauna rito, lumabas ang kopya ng isang memorandum kung saan binigyan ni Rodriguez ng dagdag na kapangyarihan ang nagbitiw na si Department of Agriculture undersecretary at chielf of staff Leocadio Sebastian.

Sa memorandum binigyan ni Rodriguez ng kapangyarihan si Sebastian na pumirma ng mga kontrata para sa DA at umaktong pinuno ng procuring entity ng ahensiya.

Una rito, nagbitiw na sa kanyang posisyon sa Department of Agriculture (DA) si Undersecretary Leocadio Sebastian kasunod nang hindi awtorisadong paglagda sa isang resolusyon sa pag-import ng asukal, ayon sa Malacañang.

Isinumite ni Sebastian ang kanyang liham na may petsang Agosto 11 kung saan inako niya ang pagkakamali at humingi ng paumanhin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“I sincerely offer my apologies, Your Excellency, for my having approved Sugar Order no. 4 on your behalf, and through the authority you had vested upon me. It has become clear that the same was not in keeping with your administration’s desired direction for the sugar industry. I take accountability and responsibility for its consequences,” ani Sebastian.

ASUKAL

VICTOR RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with